^

Probinsiya

Lalaking namimingwit, hulog sa ilog patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Sinumpong ng epilepsy

CAVITE, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang lalaki na may sakit na epilepsy habang palutang-lutang sa ilog kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tanza, dito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jimmy Villa, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Bunga, Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Jonathan Lagario, may hawak ng kaso, alas-11:20 ng gabi nang matagpuan ang palutang-lutang na katawan ng biktima sa Bunga River.

Ayon sa pamilya ng biktima, alas-6 ng umaga nang magpaalam ang huli na mamimingwit ng isda sa ilog. Subalit dumilim na umano ay hindi pa rin nakakauwi ang biktima kung kaya hinanap na siya hanggang sa matagpuang wala nang buhay habang nakalutang sa ilog.

Sa pahayag ng pa­milya ng biktima, may posibilidad umanong sinumpong ng sakit nitong epilepsy ang biktima sanhi upang siya ay mahulog sa ilog na naging dahilan ng pagkalunod nito.

vuukle comment

JIMMY VILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with