^

Probinsiya

Pumatay ng ka-live in sa Laguna, nalambat

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Pumatay ng ka-live in sa Laguna, nalambat
Ang suspek na nahaharap sa kasong murder ay kinilalang si Ramy Maderse Dago, 47, tubong Janiway, Ilo-Ilo.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa kanyang mismong live-in partner sa Brgy. Tranca, Bay, Laguna, sa inilunsad na hot pursuit operation ng mga miyembro ng Bay Municipal Police Station sa Dau, Mabalacat, Pampanga noong Huwebes.

Ang suspek na nahaharap sa kasong murder ay kinilalang si Ramy Maderse Dago, 47, tubong Janiway, Ilo-Ilo.

Inamin na umano ng suspek na siya ang res­ponsable sa pagkamatay ng kanyang kinakasama na si Elenita Fajardo Yamasaki, 52, na kakauwi lang mula sa Japan noong Setyembre 29.

Ayon sa pulisya, agad na tumakas si Dago sa pinangyarihan ng krimen bitbit ang baril na ginamit sa pagpatay sa kinakasamang si Yamasaki matapos niyang pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang awtoridad nang matanggap ang ulat na nagtago ang suspek sa bahay ng kapatid nito sa Mabalacat, Pampanga kaya agad na naglunsad ng manhunt operations.

Matapos ang sunud-sunod na pag-uusap, nagawang kumbinsihin ng mga pulis ang kanyang kapatid na isuko ang suspek.

Inamin ng suspek na napatay niya ang biktima nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa pagbbabarilin niya ang ginang.

Natukoy ng pulisya na selos ang motibo ng insidente.

Narekober mula sa suspek ang anim na unit ng cellphone at dalawang charger ng biktima nang siya ay maaresto.

vuukle comment

LIVE IN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with