^

Probinsiya

88 bagong sundalo nanumpa sa Maguindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIINGCO, Awang, DOS, Maguindanao, Philippines — Nanumpa na ang walumpu’t-walo na bagong Private na kasapi ng 6th Infantry (Kampilan) Division kasabay nang kanilang pagtatapos sa kanilang Basic Military Training sa 6th Division Training School, Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguin­danao nitong Biyernes (October 7, 2022).

Ang bagong mga Private ay kabilang sa CSC Class 708-2021 (Bagtikan) o Bagong Tinakdang Kalasag ng Bayan na may 19 na babae at 69 na mga lalake.

Ang mga nangunang sundalo ay sina: Top 1-Private Sharmaine Salvilla ng Lebak, Sultan Kudarat, 96.15%; Physical Fitness Proficiency Award, 97.78%, Top 2 - Private Michelle Abalos ng Pigcawayan, North Cotabato, 95.93%; Leadership Award at Top 3 - Private Syndie Zamora ng Kidapawan City 95.74%

Tumanggap naman si Private Mark Anthony Nie­tes ng Top Gun Award matapos magkamit ng 100% na rating sa Marksmanship.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Major General Roy M Galido, Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division Commander sa graduation ceremony ng mga bagong sundalo.

Hinimok naman ni Maj. Gen. Galido ang mga bagong sundalo na matu­tong mangasiwa sa kanilang sahod at mag-ipon habang bago pa ang mga ito sa serbisyo at umiwas sa mga iligal na droga o anumang ipinagbabawal sa batas.

vuukle comment

INFANTRY DIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with