P5.5 milyong nasalanta ni ‘Karding’ sa Quezon
INFANTA, Quezon, Philippines— Umaabot sa P5.5-milyon ang halaga ng pinsalang tinamo ng Infanta, Quezon dahil sa Bagyong Karding, batay sa isinapublikong resulta ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ng lokal na pamahalaan.
Agrikultura ang may pinakamalaking pinsala na mahigit P5.1-M, samantalang sa Public Infrastructure and Facilities ay sumira ang bagyo ng mahigit P460,000.
Batay sa ulat ng Office of the Municipal Agriculturist, pinaka-naapektuhan ang crops partikular ang palay, high-value crops lalo na ang mga produktong prutas at gulay, at mga palaisdaan.
Wala namang naitalang pinsala sa livestock and poultry, gayundin sa mga bangka at kagamitang pangisda.
Umabot sa 230 kabahayan ang natukoy na partially-damaged, habang dalawa ang totally-damaged.
Walang naitalang casualty o namatay, nasugatan, naospital, o nawala sa Infanta dahil sa naturang super typhoon noong nakaraang linggo.
- Latest