^

Probinsiya

Drug ops sa Basilan: 2 sundalo, dedo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo ang kumpirmadong patay habang tatlong suspek ang naaresto kaugnay ng drug ope­ration sa magkahiwalay na lugar sa Basilan kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, Joint Task Force (JTF)-Ba­silan commander, ang dalawang sundalo ay napatay, alas-3:00 ng madaling araw kahapon nang magpaputok ang mga tauhan ni Amiri Sarri, na kilalang drug suspect sa Barangay Maligue, Isabela City, Basilan.

Nabatid kay Gobway na isisilbi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang arrest warrant laban kay Sarri nang magpaputok ang mga tauhan nito at tinamaan ang dalawang sundalo.

Ang dalawang sundalo na kapwa miyembro ng Army 4th Special Forces Battalion sa Isabela City ay nagsilbing back up ng PDEA sa nasabing drug operation. Nakatakas naman sina Sarri at mga tropa nito.

Samantala, Setyembre 28 nang madakip ang mga drug suspect na sina Jomar Pantaleon, Wilhelm Manlangit, at Jol Hasim sa anti-drug operation nang sa­la­kayin ang kanilang drug den sa Barangay Maligaya sa Lamitan City, Basilan.

Umaabot sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000, drug paraphernalia, P1,000 marked money, Android phone, at identification card ang nakuha mula sa mga suspek.

SUNDALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with