^

Probinsiya

3 magkakaangkas dedo sa salpok ng truck

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 magkakaangkas dedo sa salpok ng truck
Kinilala ng Gen. Trias City Police ang mga nasawi na sina Jose Tuy Jr. 24-anyos, driver ng motorsiklo at dalawang backrider nito na sina Junel Tuy, 18, at John Paul Basco, 22, kapwa construction worker at residente ng Almanza Uno, Las Piñas City.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Tatlong magkakaangkas sa motorsiklo ang patay matapos silang salpukin ng humahagibis na tractor sa kasunod ng mga pagbuhos ng ulan habang bumabagtas sa kahabaan ng Gov. Ferrer Drive corner Bagong Kalsada Rd., Brgy. Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City kahapon.

Kinilala ng Gen. Trias City Police ang mga nasawi na sina Jose Tuy Jr. 24-anyos, driver ng motorsiklo at dalawang backrider nito na sina Junel Tuy, 18, at John Paul Basco, 22, kapwa construction worker at residente ng Almanza Uno, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Jayson Olivar, may hawak ng kaso, alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing highway habang sakay ang mga biktima sa motorsiklong Mitsukoshi 150 MC na may plakang 589 QFU.

May kabilisan umano ang patakbo ng mga biktima at dahil na rin sa madulas na kalsada bunsod ng mga pag-ulan, hindi na ito naiwasan ng kasalubong na Isuzu Tractor (RHF 110) na minamaneho ng isang Edgar Suguitan, 42, ng Bacolod, Isabela.

Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang mga biktima na pawang napuruhan sa ulo at nagkabali-bali rin ang mga buto.

Naitakbo naman agad sa Gen. Trias Medicare Hospital ang mga biktima subalit idineklarang mga dead-on-arrival.

vuukle comment

MOTORSIKLO

TRACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with