^

Probinsiya

17-anyos tigok sa ligaw na bala

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
17-anyos tigok sa ligaw na bala
Sinubukan pang isugod sa Camarines Norte Provincial Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Gremar Balatero Basto, residente ng Purok-1, Brgy. Calabasa, Labo, Camarines Norte.
Philstar.com/File

LABO, Camarines Norte, Philippines — Nasapol ng li­gaw na bala ang 17-anyos na binatil­yo ha­­bang masa­yang na­kikipaghun­tahan sa kanyang mga kaibigan sa tabi ng kalsada sa Purok-1, Brgy. Calabasa ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa Camarines Norte Provincial Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Gremar Balatero Basto, residente ng Purok-1, Brgy. Calabasa, Labo, Camarines Norte.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, masayang nakikipagkwentuhan ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa tabi ng kalsada nang makarinig sila ng malakas na putok ng baril.

Ilang sandali ay nag­sabi si Basto sa mga ka­ibigan na masakit ang kanyang kaliwang bahagi ng tagiliran at nakitang dumudugo ito.

Mabilis nilang isinugod sa Labo District Hospital pero dahil sa maselang lagay ng binatilyo ay sinubukang ilipat sa ibang pagamutan pero idineklara na siyang dead-on-arrival.

vuukle comment

BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with