^

Probinsiya

Negosyante itinumba sa harap ng 2 anak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Negosyante itinumba sa harap ng 2 anak
Tinadtad ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agarang nasawi ang biktimang si Allan Dela Cruz Sanggo, residente ng Sitio Ubo, Brgy. San Agustin, Aroroy, Masbate.
STAR/ File

AROROY, Masbate, Philippines — Bulagta sa harap mismo ng kanyang dalawang anak ang 39-anyos na negosyante matapos pasukin sa kanilang bahay at pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Brgy. San Agustin ng bayang ito, kamakalawa ng tanghali.

Tinadtad ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agarang nasawi ang biktimang si Allan Dela Cruz Sanggo, residente ng Sitio Ubo, Brgy. San Agustin, Aroroy, Masbate.

Sa ulat ng Aroroy Police, dakong alas-12 ng tanghali habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang dalawang anak nang biglang dumating ang isang itim na Bajaj motorcycle lulan ang dalawang hindi nakilalang suspek.

Mabilis na pumasok ng bahay ang dalawang lalaki at sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pagpatay sa biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek habang narekober ng mga rumespondeng pulis sa lugar ang ilang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

vuukle comment

BULAGTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with