^

Probinsiya

2 sundalo todas sa engkuwentro sa Abra

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo ang patay matapos maka­sagupa ang Communist Terrorist Groups (CTG) habang nagsasagawa ng focused military operation kamakalawa sa tri-boundary ng Kalinga-Apayao at Abra.

Kinilala ang mga nasawi na sina 2nd Lt. Nasser Dimalanes at Pfc. James  Fontanilla Jr., kapwa miyembro ng Scout Platoon ng 98th Infantry Brigade, 5th Infantry Division.

Sa report, naganap ang sagupaan sa boundary ng Barangay Katablangan, Conner, Apayao at Sitio Binwan, Barangay Lenneng, Kabugao, Apayao. Nagsasagawa ng operasyon ang tropa ni Dimalanes sa nasabing lugar nang makasagupa nila ang may 15 kasapi ng CTG sa ilalim ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG) North Abra.

Tumagal ng 20-minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang sundalo habang mabilis na tumakas ang teroristang grupo.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit ope­ration ng militar at inalerto na rin ang lahat ng kani­­lang unit sa lugar para sa ikadarakip ng mga bandido. Maging ang pagsasagawa ng checkpoint sa mga lugar na posibleng daanan ng mga armadong grupo ay hinigpitan na rin.

vuukle comment

CTG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with