^

Probinsiya

Bulacan maghihigpit kontra ­illegal mining at pagputol ng puno

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigpit ang gagawing pagbabantay ng Bulacan Environment and Natural Resources o BENRO laban sa mga iligal na pagmimina ng lupa at pagpuputol ng puno.

Ayon kay BENRO Head Julius Victor Degala, paiigtingin nila ang pagbabantay sa mga illegal na nagmimina at nagtrotroso upang protektahan ang kapaligiran ng buong lalawigan.

Bilang karagdagan, bumuo rin ang kanilang tanggapan ng roving team na magbabantay sa mga checkpoint bukod pa sa regular na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Nilinaw naman ni Gobernador Daniel Fernando na mataas ang pangangailangan sa quarrying at nagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga Bulakenyo ngunit kailangan itong kontrolin at mahigpit na bantayan.

BENRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with