9-anyos patay sa bakbakan ng Army at NPA
BATANGAS, Philippines — Nasawi ang 9-na taong gulang na batang babae matapos mahagip ng ligaw na bala sa kasagsagan ng bakbakan ng mga sundalo ng Philippine Army at rebeldeng New People’s Army sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Guinhawa, sa Taysan, Batangas nitong Lunes ng tanghali.
Batay sa report ng Taysan Police, pasado alas-11:00 ng umaga, nang makasagupa ng mga sundalo ng 59th Infantry Battalion ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebeldeng NPA.
Tumagal lamang ng tatlong minuto ang palitan ng putok at umatras ang mga rebelde patungo sa direksyon ng bayan ng Lobo.
Habang tumatakas ang mga rebelde, nakita ng mga sundalo ang biktima na tinamaan ng bala na nanggaling sa hindi malamang direksyon. Nagpapastol lamang ng kambing ang bata nang maipit sa labanan.
Agad isinugod ang paslit sa Batangas Medical Center subalit idineklara itong dead-on-arrival ng doktor.
- Latest