^

Probinsiya

6 tiklo sa P2.7 million nakaw na kable sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MARILAO, Bulacan, Philippines — Nabawi ng mga otoridad ang aabot sa P2.7 milyong halaga ng nakaw na kable ng telepono mula sa anim na naarestong lalaki na kamakalawa ng gabi sa Brgy. Saog ng nasabing bayan.

Kinilala ni Acting Bulacan Police director P/Col. Charlie Cabradilla ang nasakoteng mga suspek na sina Mark Christopher Esteron, Daniel Añasco at Raymond Salvador na; pawang taga-Quezon City; Randolfh Orejudos ng Caloocan City; Junfel Bryan Lagrido ng Rodriguez, Rizal, at Joeven Libaoco ng San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi, nagreport ang isang kawani ng Racitelcom, Inc sa tanggapan ng Marilao Police na nawawalan sila ng kable na may habang 350 metro.

Dito nagsagawa agad ng operasyon ang mga otoridad hanggang sa maispatan nila ang mga suspek, hindi ­kalayuan sa lugar ng pinagnakawan, na dala-dala ang nasabing ninakaw na mga kable.

Agad inaresto ang mga suspek at nareko­ber sa kanila ang kable ng telepono na nagkakahalaga ng P2,272,000.00, 3 unit ng hagdan at isang set ng toolbox.

vuukle comment

CHARLIE CABRADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with