^

Probinsiya

‘Bulacan airport tuloy pa rin, SEZ hiwalay na proyekto’ – governor

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
âBulacan airport tuloy pa rin, SEZ hiwalay na proyektoâ â governor
Pinaliwanag ni Fernando, magkahiwalay na institusyon ang dalawang proyekto at sang-ayon siya na kailangan nito ng sapat na oras upang maingat na mapag-aralan, masuri, at mabisitang muli ang panukala.
STAR/ File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nilinaw kahapon ni Bulacan Governor ­Daniel Fernando na tuloy pa rin ang konstruksyon ng bagong paliparan sa Bulacan at hindi ito apektado sa ginawang pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa panukalang batas na lumilikha sa Bulacan Airport City-Special Economic Zone (SEZ) and Freeport.

Pinaliwanag ni Fernando, magkahiwalay na institusyon ang dalawang proyekto at sang-ayon siya na kailangan nito ng sapat na oras upang maingat na mapag-aralan, masuri, at mabisitang muli ang panukala.

“The only issue that we have as of the moment is the approval of the proposed special economic zone which I strongly believe will just need to be justified, revisited, and reviewed,” anang gobernador.

Idinagdag pa ng gobernador na nagpapasalamat siya at positibo ang kanyang pananaw patungkol sa malaking progreso sa lalawigan.

“Tuloy ang airport, tuloy ang kaunlaran at magandang oportunidad sa ating mga kalalawigan. Nagtitiwala po tayo na ano man ang kahihinatnan ng nasabing usapin, ito ay masusing pag-aaralan, at maayos na mapag-uusapan dahil ang ating bagong administrasyon ay para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino,” aniya.

Sinabi rin ni Fernando na walang dapat ­ipangamba ang mga dayuhang mamumuhunan dahil marami pang maihahandog ang Bulacan na lugar na pang-negosyo.

SEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with