^

Probinsiya

Mt. Bulusan nagtala ng 129 volcanic quakes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mt. Bulusan nagtala ng 129 volcanic quakes
Smoke rises from Bulusan volcano (C) as seen from Sorsogon City, Sorsogon province on June 6, 2022. The volcano in the eastern Philippines spewed a huge, dark cloud on June 5, prompting evacuations from ash-covered towns while authorities warned of possible further eruptions.
AFP / Charism Sayat

Sa nakalipas na 24-oras

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala sila ng 129 volcanic earthquakes sa Mount Bulusan sa Sorsogon, nitong nakalipas na 24-oras, mula sa dating 15 lamang sa nakalipas na monitoring period.

Sa bulletin na inilabas nitong Linggo, sinabi ng Phivolcs na ang bulkan ay nagbuga rin ng 556 tonelada ng sulfur dioxide flux noong Hulyo 2.

Ang moderate plume emissions ay umabot naman sa 150 metro ang taas, at tinangay patungong northwest at west-northwest.

Binalaan din ng ahensiya ang mga residente na naninirahan sa paligid ng river channels hinggil sa posibleng pag-agos ng lahar kung magkakaroon ng mala­lakas at matagal na mga pag-ulan sa lugar.

Una nang nakapagtala ang Phivolcs ng phreatic eruptions sa bulkan noong Hunyo 5 at 12, sanhi upang matabunan ng abo ang ilang barangay doon.

Nakataas pa rin naman ngayon ang Alert Level 1 sa bulkan, na nananatili pa rin ang pamamaga, at nanga­ngahulugang posible pa ring magkaroon ng panibagong phreatic eruption sa mga susunod na araw.

MOUNT BULUSAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with