^

Probinsiya

Bahay ng shuttle driver ni-raid: Armas at mga bala nasamsam

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang shuttle driver matapos masamsam ang iba’t ibang uri ng armas at mga bala sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon sa New Javalera Subdivision, Brgy. Javalera, Gen Trias City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joel Magpuri, 49-anyos, may asawa, at residente ng No. 0340 Blk 12, New Javalera Subd., Brgy Javalera, Gen Trias City.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office director Col. Arnold Abad, alas-12:45 ng hapon nang magkasa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cavite PFU, Cavite Police Mobile Force, 82 SAC, Special Action Force laban sa suspek.

Bitbit ang search warrant para sa kasong pag­labag sa R.A. 10591 na inisyu ni Executive Judge Ralph Arellano ng RTC Branch 132, Naic, Cavite, sinalakay ang nasabing lugar at nadakma ang suspek.

Narekober sa na­tu­rang lugar ang isang Colt M16 A1 cal. 5.56 rifle, isang Ithaca cal. 45 pistol, apat na magazines para sa cal. 5.56, tatlong magazines short ng cal. 5.556, dalawang magazines ng cal. 45 pistol; isang magazine ng cal. 9mm; 75 na bala ng cal. 5.56 at 17 na bala ng cal. 45.

vuukle comment

ARMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with