69 couples nag-‘I do’ sa Kasalang Bayan
DINALUPIHAN, Bataan, Philippines — Nasa 69 magkakapareha ang naghayag ng “I do” sa isinagawang “Kasalang Bayan 2022” , dito kamakalawa.
Magkakasabay na ikinasal ang 69 na pares at nagsilbing mga “ninong” at “ninang” ang mga lokal na opisyal ng Dinalupihan na pinangunahan nina outgoing Mayor at 3rd District Congresswoman-elect Gila Garcia; Mayor-elect Herman Santos; Sangguniang Bayan members at mga Division Heads na pinangunahan ni Administrator Rolly Rojas.
Dumalo rin sa mass wedding ceremonies ang mga opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay Mayor Garcia, ito na ang ika-pitong taon na ginaganap ang Kasalang Bayan ilang araw mula sa pagtatapos ng kanyang termino bilang alkalde.
- Latest