^

Probinsiya

1 patay, 1 sugatan sa pagpuslit ng kontrabando

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang isa sugatan nang maka- engkuwentro ng mga pulis ang dalawang lalaki na magpupuslit ng kontrabando, kamakalawa ng hapon sa Pigcawayan, Cotabato.

Kinilala ang nasa­wing suspek na si Bhan ­Ma­ngcog Ali, 40, habang na­sugatan ang kasamang si Ali Tahir Musa, 53, kapwa residente sa Brgy. Poblacion, Pagalungan, Maguindanao.

Batay sa pagsisiyasat, nangyari ang engkwentro sa pagitan ng Pigcawayan Municipal Police Station at mga suspek na nagtangka umanong magpuslit ng mga kontrabando sa P.Palma area, alas-5:45 ng hapon, sa bahagi ng Upper Baguer, Pigcawayan, Cotabato.

Nagsagawa ng police operation ang mga otoridad matapos makatanggap ng impormas­yon hinggil sa pagdaan ng isang sasakyan na mayroong kargang kontrabando sa bahagi ng Upper Baguer.

Pinahinto ng mga pulis ang sasakyan ng mga suspek,subalit hindi huminto ang mga ito bagkus ay pinagbabaril ang mga pulis sa  checkpoint.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang dalawang suspek na kung saan ay dead-on-arrival sa ospital si Ali habang sugatan si Musa.

Narekober ang 9 na kahon ng Fort at Modern cigarettes na nagkakahalaga ng P135,000, isang unit ng Colt Cal. 45 kasama ang magazine na mayroong 6 na piraso ng live ammunitions, 2 maliliit na pakete na hinihinalang shabu, isang  Toyota Avanza, isang fire cartridge case ng .45 Caliber Pistol, at P11,000.

vuukle comment

SUGATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with