Pamangkin ni Mangudadatu itinumba!
MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang pamangkin ng isang dating gobernador at ngayon ay alkalde ng Koronadal City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si Carl Ian Mangudadatu, 43, empleyado ng Provincial Security Unit Sultan Kudarat Capitol at residente ng Marvel Homes, Brgy. GPS, Koronadal City dahil sa tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa report ng Koronadal City Police, dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa Sueno Village, Brgy. Morales, Koronadal City. Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lamang siyang hinarang at pinagbabaril ng mga ‘di kilalang suspek.
Si Mangudadatu ay pamangkin ni dating Sultan Kudarat Governor at ngayon ay Lutayan Mayor Sultan Pax Mangudadatu.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek.
- Latest