^

Probinsiya

Spy plane ng Air Force bumagsak sa CDO

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Spy plane ng Air Force bumagsak sa CDO
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng Hermes 900 drone.
File / Malacañang Photo Bureau

MANILA, Philippines — Isang spy plane ng Philippine Air Force (PAF) ang bumagsak habang nasa himpapawid ng Cagayan de Oro (CDO) kamakawala ng hapon.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng Hermes 900 drone.

Batay sa ulat ng PAF, bandang alas-9:30 ng umaga­ kamakalawa nang mag-take off ang Hermes 900 drone sa Lumbia Airport para magsagawa ng functional check flight.

Matapos ang isinagawang check flight, bigla na lamang bumagsak mula sa taas na 10,000 talampakan  ang drone sa isang taniman.

“At around 11:46 a.m., communications with the UAV was cut. All emergency procedures were performed and Field Service Representatives were called for troubleshooting,” pahayag ng PAF.

Walang sibilyan na naiulat na nasugatan baga­­ma’t may mga ari-arian umano ang napinsala.

Nabatid na gawa ang Hermes 900 drone ng isang Israeli company.

CDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with