^

Probinsiya

Magpinsan patay sa kasalubong na van

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MULANAY, Quezon , Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang magpinsan na sakay ng isang motorsiklo habang malubhang nasugatan ang kanilang kaibigan makaraan silang bumangga sa kasalubong na delivery van sa highway na sakop ng Barangay Sta. Rosa sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan sanhi upang malagutan ng hininga sina John Kenneth Deraya, 21 at John Kevin Macunat, 16, kapwa mga residente sa Barangay Poblacion samantalang ginagamot ngayon sa Bondoc Peninsula District Hospital sa Catanauan, Quezon ang kanilang kaibigan na si Michael Fortales, 20 dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya, minamaneho ni Deraya ang isang kulay pulang Rusi motorcycle at angkas ang pinsan at kaibigan upang magtungo sa Barangay Sta. Rosa. Nag-overtake umano si Deraya sa isang motorsiklo bandang alas-3:00 ng madaling araw su­balit nabulaga ito sa biglang pagdating ng kasalubong na stainless delivery van na minamaneho ni Argie Atibagos ng San Andres, Quezon.

Hindi na umano nakaiwas ang magpinsan at tulu­yang bumangga sa van. Tumilapon ang mga biktima dahil sa lakas ng banggaan sanhi ng kanilang kamatayan.

vuukle comment

RUSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with