^

Probinsiya

Maguindanao pa binulabog ng pagsabog, 9 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Maguindanao pa binulabog ng pagsabog, 9 sugatan
Ayon kay Col. Oriel Pangcog, commander ng 601st Brigade Philippine Army, unang ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Datu Unsay at Shariff Aguak sa Maguindanao pasado alas-7:00 Linggo ng  gabi na sinundan naman kahapon ng  madaling araw o ilang oras bago ang halalan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Siyam ang naiulat na sugatan sa sunud-sunod na pagsabog sa dalawang bayan sa Maguindanao, ilang oras bago pa man ang pagbubukas ng mga presinto sa araw mismo ng eleksyon kahapon.

Ayon kay Col. Oriel Pangcog, commander ng 601st Brigade Philippine Army, unang ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Datu Unsay at Shariff Aguak sa Maguindanao pasado alas-7:00 Linggo ng  gabi na sinundan naman kahapon ng  madaling araw o ilang oras bago ang halalan.

Ang 9 na kataong sugatan ay mula sa pagsabog malapit sa Municipal Hall ng Datu Unsay. Nagtamo ng minor injuries ang mga biktima.

Maliban sa Datu Unsay, dalawang pagsabog din ang naganap sa national highway ng Shariff Aguak.

Lumilitaw na M79 grenade launcher ang ginamit ng mga armadong kalalakihan sa paghahasik ng karahasan sa lugar kahapon..

Samantala, naitala rin sa Lake Sebu sa South Cotabato ang tensyon matapos na may mga armadong kalalakihan na nananakot umano at sinasabing mga private armies sila ng isa sa mga kandidato sa probinsiya.

Mas pinaigting naman ang presensiya ng mga awtoridad sa lugar upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan.                                                                                                                                                  

vuukle comment

ORIEL PANGCOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with