^

Probinsiya

Security ng magkalabang mayoral candidates nagbarilan: 24 arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Security ng magkalabang mayoral candidates nagbarilan: 24 arestado
Sa isinagawang virtual meeting kahapon, agad nilinaw ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na ang pangyayari sa Purok Gulod, Brgy. Concepcion, General Tinio, Nueva Ecija kung saan sangkot ang mga ta­uhan ng magkalabang mayoral candidates ay maituturing na “isolated case” lamang, at inaasahan ng PNP na magiging maayos at tahimik ang magaganap na eleksyon ngayong Mayo 9.
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines — Matapos ang naga­nap na barilan ng mga aides ng dalawang ma­yoralty candidates sa Ilocos Sur, sumiklab din ang kahalintulad na karahasan sa Nueva Ecija na ikinaaresto ng 24 katao kabilang ang limang sugatan, kama­kalawa ng gabi.

Sa isinagawang virtual meeting kahapon, agad nilinaw ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na ang pangyayari sa Purok Gulod, Brgy. Concepcion, General Tinio, Nueva Ecija kung saan sangkot ang mga ta­uhan ng magkalabang mayoral candidates ay maituturing na “isolated case” lamang, at inaasahan ng PNP na magiging maayos at tahimik ang magaganap na eleksyon ngayong Mayo 9.

Batay sa ulat, ang mga nadakip ay pa­wang security personnel nila incumbent Gene­ral Tinio Mayor Isidro Pajarillaga at kalaban sa pag­ka-alkalde na si Virgilio Bote.

Sa nasabing bilang ng inaresto, 19 dito ay mula sa kampo ni Mayor Pajarillaga habang ang limang nasugatan ay mula sa kampo ni Bote.

Nakuha sa mga dinakip ang iba’t ibang kalibre ng baril tulad ng 5 M-16 rifles; isang 12 guage shotgun, 15 na kalibre ng baril at mahigit sa 200 rounds ng bala mula sa ibat-ibang kalibre.

Samantala, limang sports utiliy vehicle (SUV) naman na tadtad ng bala ang natagpuan sa pinangyarihan ng barilan.

Sinampahan na ng mga kasong frustrated murder at paglabag sa Omnibus Election Code (gun ban) ang mga nadakip na suspek.

vuukle comment

JEAN FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with