^

Probinsiya

7 bayan apektado ng volcanic activity ng Taal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
7 bayan apektado ng volcanic activity ng Taal
Inihayag ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal na ang mga apektadong bayan ay ang Agoncillo, Balete, Cuenca, Laurel, Le­mery, Talisay at San Luis ng naturang lalawigan.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pitong bayan sa lalawigan ng Batangas ang apektado ng volcanic activity ng Taal Volcano, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Inihayag ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal na ang mga apektadong bayan ay ang Agoncillo, Balete, Cuenca, Laurel, Le­mery, Talisay at San Luis ng naturang lalawigan.

Sinabi rin ni Timbal na tuluy-tuloy pa rin ang paglilikas ng mga awtoridad at local go­vernment units (LGUs) sa mga apektadong residente lalo na sa mga nasa high-risk areas.

Umabot na aniya sa 3,771 katao o 1,142 pamilya ang namamalagi ngayon sa may 17 na kabuuang evacuation centers sa Batangas habang nasa 265 pamilya o 1,203 indibiduwal ang lumikas sa kanilang mga kaanak.

Tuluy-tuloy din ­aniya ang pagbibigay ng LGUs ng mga fa­mily food packs sa mga evacuees habang nakaantabay ang supply naman sa Regional Di­saster Council at National Disaster Council.

Tiniyak ni Timbal na wala nang mga tao sa mismong volcano island samantalang nasa “high-risk areas” pa rin ang limang barangay sa Bilibinwang, Banyaga, eastern sector ng Bugaan East, Boso-boso at Gulod.

vuukle comment

NDRMMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with