^

Probinsiya

P27.6 million puslit na sigarilyo nasabat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P27.6 million puslit na sigarilyo nasabat
Ayon kay PNP chief P/Gen. Dionardo Carlos, inaresto si Alibasa sa aktong nagbebenta ng anim na pakete ng mga puslit na sigarilyo sa isang pulis na umaktong buyer ng nasabing sigarilyo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P27.6 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga awtoridad matapos ang isinagawang buy-bust operation laban sa isang mister na nakuhanan din ng mga baril at bala sa Brgy. Aplaya, Hagonoy, Davao del Sur, ayon sa pulisya kahapon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 11, kinilala ang suspect na si Tapsaren Alibasa, 47-taong gulang, residente ng Davao del Sur.

Si Alibasa ay nasakote ng pinagsanib na elemento ng Regional Special Operation Group–Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 11, Hagonoy Municipal Police Station (MPS), Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) sa pakikipagkoordinasyon sa Bureau of Customs (BOC) sa nasabing lugar.

Ayon kay PNP chief P/Gen. Dionardo Carlos, inaresto si Alibasa sa aktong nagbebenta ng anim na pakete ng mga puslit na sigarilyo sa isang pulis na umaktong buyer ng nasabing sigarilyo.

Nakumpiska mula sa suspect ang 690 kahon ng smuggled na sigaril­yo na tinatayang nagkakahalaga ng P27.6-milyon. Nakuha rin mula rito ang isang unit ng 9mm Armscor na may kargang 9 na bala, isang magazine ng cal . 45 pistol, 15 piraso ng bala ng cal. 9mm at iba pa.

vuukle comment

APLAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with