^

Probinsiya

Inside job robbery sa Kawit: Chinese store owner ginapos ng sariling guwardya

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Inside job robbery sa Kawit: Chinese store owner ginapos ng sariling guwardya
Kinilala ng pulisya ang negosyanteng Tsino na si Zhou Wei Jing, 31-anyos, may-ari ng Kuzahoo Grocery Store at residente ng Brgy. Pulborista, Kawit, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Ginapos at binusalan ang bibig ng isang Negosyanteng babae na Chinese National at may-ari ng isang Grocery ng kaniya mismong security guard at isa pang kasabwat, bago nilimas ang mga pera at iba pang mahahalagang bagay sa loob ng grocery store ka­makalawa sa Covelandia Road, Brgy. Pulborista, Kawit.

Kinilala ng pulisya ang negosyanteng Tsino na si Zhou Wei Jing, 31-anyos, may-ari ng Kuzahoo Grocery Store at residente ng Brgy. Pulborista, Kawit, Cavite.

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek na nakilalang si Rogielo Padua, nasa hustong gulang,  security guard sa ilalim ng RCO Security Agency at duty guard sa nasabing grocery store na pag-aari ng biktima, habang hindi pa nakilala ang isang kasamang suspek.

Sa imbestigasyon ni IOC P/CMS Roldan Requioma, may hawak ng kaso, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang biktima matapos umanong pagnakawan ng mismong security guard nito.

Sa salaysay ng biktima, alas-10:30 ng umaga habang nasa loob siya ng grocery store at nakaupo sa cashier counter nang pumasok ang isang di kilalang lalaki. Inakala nitong kustomer ito pero biglang kasunod ng lalaki ang kanyang security guard at nagulat na lamang siya nang i-lock ng kanyang guwardya ang loob ng grocery.

Nilapitan na siya ng dalawa at pinagtulungan umanong igapos ang kanyang mga kamay at paa saka binusalan ang kaniyang bibig, bago nilimas ang pera sa kaha at iba pang mga gamit at paninda sa kanyang tindahan.

Tinangay din ng mga suspek ang mga alahas ng biktima, 7-unit ng mga cellular phones, isang laptop at hard drive (DVR) ng CCTV ng establisimyento.

Matapos tumakas ang dalawang suspek, nagpumilit kumawala ang biktima mula sa pagkakatali at humingi ng tulong sa awtoridad. 

vuukle comment

IOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with