^

Probinsiya

Misis ng ASG bomb-maker nasakote sa raid sa Sulu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Misis ng ASG bomb-maker nasakote sa raid sa Sulu
This file photo shows an improvised explosive device that Army ordnance experts disarmed in Maguindanao.
The STAR/John Unson, file

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga ­operatiba ng Joint Task Force Sulu at Philippine National Police (PNP) ang umano’y panga­lawang asawa ni Abu Sayyaf Group (ASG) bomb-ma­ker Mundi Sawadjaan sa isinagawang pagsalakay sa Brgy. Tulay, Jolo, Sulu noong Sabado.

Kinilala ni Joint Task Force-Sulu commander Brigadier General Ignatius Patrimonio ang suspek na si Nursitta Mahalli Malud alyas “Kirsita Ismael”, 34, na isa rin umanong bomber.

Batay sa report, si Malud ang namamahala ng pera ng grupo ni Sawadjaan at responsable sa pagbili ng mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive device (IED).

Nabatid na inaresto ang nasabing babaeng terorista nang isilbi ng mga awtoridad ang search warrant laban sa kanya para sa paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives. Nakuha dito ang isang pampasabog at mga sangkap sa paggawa ng bomba.

ABU SAYYAF GROUP (ASG)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with