Manhunt vs 2 ‘persons of interest’ sa Infanta mayor ambush, inilunsad
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya rito matapos nilang matukoy ang dalawang “persons of interest” sa naganap na pananambang at tangkang pagpatay kay Infanta, Quezon Mayor Filipinas Grace America noong Linggo.
Ayon kay Col. Joel Villanueva, Quezon police director, nagsasagawa na ng manhunt operations ang mga operatiba ng provincial police command at iba pang support units laban sa natukoy na dalawang persons of interest sa naganap na pamamaril kay America sa Infanta.
“The task group are still consolidating pieces of evidence, including several close circuit television camera installed in the different areas. We need to enhance the CCTV to identify the assailant, May ibang CCTV footage malabo ang kuha,” pahayag ni Villanueva.
Ayon pa kay Villanueva, nasa maayos nang kalagayan si America matapos na sumailalim sa operasyon sa ospital dahil sa inabot na tama ng bala sa kanang braso. Nagtalaga na rin si Villanueva ng pulis sa alkalde para sa kanyang seguridad.
- Latest





















