^

Probinsiya

Tupada ni-raid sa Laguna: 48 nasakote

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Tupada ni-raid sa Laguna: 48 nasakote
Ang mga nadakip na 48 sabungero sa magkahiwalay na pagsalakay ng pulisya sa mga tupadahan sa Bay, Laguna.
Ed Amoroso

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nalambat ng mga awtoridad ang 48 sabungero sa isinagawang pagsalakay sa magkahiwalay na tupadahan sa bayan ng Bay ng lalawigang ito, ayon sa pulisya kahapon.

Sinabi ni Col. Rogarth Campo, director ng Laguna Provincial Police Office, ikinasa ang operasyon kasunod ng mga tinanggap na impormasyon ng pulisya sa ginaganap na illegal na sabong o “tupada” sa Purok 1, Sito Kabaritan, Brgy. Sto. Domingo.

Dahil dito, sinalakay ng mga operatiba ng Provincial Special ­Operation Unit ang nasabing lugar at naaktuhan na nagtutupada ang 44 na sabungero na kanilang ikinaaresto.

Sa Sta. Rosa City, apat ding katao ang nahuli sa vacant lot ng Progressive Subdivision sa Brgy. Tagapo matapos maaktuhang nagtutupada.

Nakumpiska sa mga naaresto ang apat na buhay na manok na panabong, walong patay na manok, apat na tari, at kabuuang P38,970 bet money.

RAID

SABUNGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with