^

Probinsiya

Ilocos idineklarang ‘1st insurgency free region’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineklara ang Ilocos Region bilang kauna-unahang rehiyon sa buong bansa­ na “insurgency free” matapos lagdaan kahapon ng Joint Regional Develop­ment Council 1 (RDC), Regional Peace and Order Council 1 (RPOC), at Regional Task Force (RTF-ELCAC) 1, ang Resolution No. 1 s. 2022 na nagdekdeklara ng “State of Stable Internal Peace and Security” sa Region 1.

Ang signing ceremony na isinagawa sa EM Royalle Hotel & Beach Resort sa San Juan, La Union ay dina­luhan ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., kasama sina National Security Adviser Secretary Hermogenes C. Esperon, Jr, Chairperson, RTF-ELCAC 1; La Union Governor Francisco Emmanuel “Pacoy” Ortega III, chairperson, RPOC 1; Vigan City Mayor Juan Carlo S. Medina, chairperson, RDC 1; at mga lokal na opisyales.

Ayon kay Lt. Gen. Torres na sa pagtatapos ng insurhensya sa Ilocos Region, gagawin ng NOLCOM ang lahat para wakasan na ang aktibidad ng mga teroristang komunista sa iba pang rehiyon sa kanilang area of responsibility.

Matatandaang inatasan ni Pangu­long Duterte ang AFP na wakasan na ang kilusang komunista sa buong bansa bago matapos ang kanyang termino.

ILOCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with