‘Panagbenga 2022’ sa Baguio, tuloy
BAGUIO CITY, Philippines — Sa kabila ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19, inanunsyo kahapon ng lokal na pamahalaan ng Baguio City na tuloy ang selebrasyon ng ika-27 edisyon ng Baguio Flower Festival (BFF) o “Panagbenga 2022” sa lungsod.
Gayunman, nilinaw na walang malaking pagtitipon ng mga tao ang magaganap hindi gaya ng mga nagdaang taon na inabangan ang festival dahil sa tradisyunal na street dancing at flower float parades.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang crowd-drawing activities na kinabibilangan ng opening parade, street dancing at flower float parade ay iiwasan.
Ang bagong kasunduan para sa naturang event ay isinagawa kasama ang private organizer na Baguio Flower Festival Foundation, public sector at ni Baguio Country Club General manager Anthony de Leon present.
Ang tradisyunal na mga aktibidad na gaganapin sa Session Road ay ang Bloom, Flower Golf Tee, ang Philippine Military Academy homecoming, Let A thousand flowers bloom, Open kite exhibition, Cultural show, grand fireworks, at Pony boys’ day.
Mahigpit namang ipatutupad sa event ang minimum public health standards (MPHS), pagsusuot ng face mask, social distancing at hand washing.
Ang festival ay isasagawa umano sa Pebrero o maaaring Marso.
- Latest