^

Probinsiya

Hitman ng piskal sa Cavite, timbog sa buy-bust

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Hitman ng piskal sa Cavite, timbog sa buy-bust
Ayon kay PNP chief, Gen. Dionardo Carlos, inamin ni Marvin Tagayon Linaban, 44-anyos, ang pagpatay kay Trece Martires Assistant City Pro­secutor Edilbert Mendoza sa harap ng bahay nito sa Brgy. Cabuco, Trece Martirez City, Cavite.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang piskal sa Cavite noong Disyembre 31, 2021 at kaibigan nito sa isinagawang buy-bust operation noong Biyernes sa Dasmariñas City.

Ayon kay PNP chief, Gen. Dionardo Carlos, inamin ni Marvin Tagayon Linaban, 44-anyos,  ang pagpatay kay Trece Martires Assistant City Pro­secutor Edilbert Mendoza sa harap ng bahay nito sa Brgy. Cabuco, Trece Martirez City, Cavite.

Pinagsisisihan umano ni Linaban ang pagpatay kay Mendoza at nagawa lamang niya ito dahil sa pangangailangan sa pera.

Kasama ring nahuli sa buy-bust ang kaibigan ni Libanan na si Elvin Esguerra, 40, na nasugatan matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Nabatid na isinagawa  ng Cavite Drug Enforcement Unit Operatives ang  buy-bust operation dakong als 10:30 ng gabi sa Brgy. H2, Dasmarinas City.

Sinabi ni Carlos na kung tugma  ang mga ebidensiya sa pagkakaaresto kay Linaban, malaking tagumpay ito sa paglutas ng kaso ni Mendoza.

Ani Carlos, nagpahayag ng kahandaan si Linaban na magbigay ng  kanyang extra judicial confession sa harap ng kanyang napiling abogado.

Sa isinagawang  buy-bust,  nakuha kay  Linaban ang  isang  cal. 45 Thompson Auto Ordnance pistol  habang   9mm pistol ang nasamsam  kay Esguerra.

Umaabot naman sa P69,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa operasyon.

Samantala, patuloy ang pagsasagawa ng follow-up operation ng Cavite Provincial Police Office laban sa “mastermind” ng natu­rang krimen at iba pang mi­yembro ng kanilang gun-for-hire group.

DIONARDO CARLOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with