Resort-hotel nagpa-party, nagpalabas ng malaswa, ipinasara sa Quezon
MAUBAN, Quezon, Philippines — Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang isang resort-hotel sa bayang ito dahil sa patung-patong na mga paglabag, kabilang na ang hindi pag-obserba sa minimum public health standards.
Ayon sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Mauban, inihain nila ang “closure order” kamakailan laban sa Ikosan Resort Hotel dahil sa hindi nito pagsunod sa umiiral na curfew hours at sa mga pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19.
Nilabag din umano ng nasabing establisimyento ang Article 201 (2) (b) ng Revised Penal Code, dahil sa pagpapalabas nito ng malalaswang mga palabas.
Noong Disyembre 7,2021 ay nag-request ang nasabing resort na magsagawa ng foam party, ngunit hindi ito inaprubahan ng BPLO.
Sa kabila ng hindi pag-apruba, itinuloy pa rin ng pamunuan ng hotel ang aktibidad.
Ayon pa sa BPLO, nilabag din ng Ikosan Resort Hotel ang Section 3A.03 (f) ng Revenue Code ng bayan ng Mauban, dahil sa pag-abuso sa pribilehiyong magnegosyo matapos gamitin ang puwesto bilang lugar umano ng prostitusyon.
- Latest