^

Probinsiya

2 timbog sa mahigit P600K ‘hot logs’

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CARRANGLAN, Nueva Ecija, Philippines — Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at environment officers ang dalawang lalaki na tangkang magpuslit umano ng 3,058.56 board feet ng illegally cut sawn lumber na nagkakahalaga ng P611,712 na lulan ng isang closed van sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Joson ng bayang ito, noong Linggo ng hapon. 

Sa ulat na tinanggap ni P/Col. Rhoderick Campo, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakilala ang dalawang naaresto na sina Jomer Deteques, 38, drayber; at Jayson Maniquiz, 36, pahinante, kapwa ng Batasan Bata, San Miguel, Bulacan.

Nabatid na ang dalawang suspek ay pinara ng mga operatiba ng Carranglan Municipal Police, DENR-CENRO Muñoz City, kasama ang mga tauhan mula sa 2nd Provincial Mobile Force ng NEPPO, DENR-Nueva Vizcaya at Sta. Fe Police ng Nueva Vizcaya Provincial Police Office, bandang ala-1:30 noong Linggo ng hapon.

Nabatid na sakay ang dalawa ng kulay white at silver closed van na may plakang CCO6915 at galing umano sila ng norte at patungong katimugan nang harangin ng otoridad.

Wala umanong naipakitang dokumento ang dalawang suspek at ngayo’y nakatakda silang sampahan ng kasong paglabag sa PD 705 o Revised Fo­restry Code, habang dinala ang mga kahoy sa opisina ng DENR sa Science City of Muñoz. 

ILLEGAL LOGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with