^

Probinsiya

Ex-chairman kinatay ng kaanak na ‘adik’ sa online sabong

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Ex-chairman kinatay ng kaanak na �adik� sa online sabong
Kinilala ang napatay na si Romeo Eligio, da­ting barangay chairman at residente ng Brgy. San Jose ng naturang bayan habang ang sugatan ay si Joseph Eligio, 33-anyos.
STAR/File

HAGONOY, Bulacan, Philippines — Patay ang 87-anyos na dating kapitan ng barangay habang sugatan ang kanyang apo matapos na pagsasaksakin ng kaanak na lulong umano sa online sabong nang hindi pautangin ng pera kamaka­lawa ng gabi sa Brgy. San Jose ng nasabing bayan.

Kinilala ang napatay na si Romeo Eligio, da­ting barangay chairman at residente ng Brgy. San Jose ng naturang bayan habang ang sugatan ay si Joseph Eligio, 33-anyos.

Arestado naman ang suspek na si Ronwaldo Caso, 43, matapos na magtago makaraang mapatay ang dating kapitan.

Ayon kay P/SMS Frederick Felipe, chief investigator ng Hagonoy Police, pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima bandang alas-11:20 ng gabi para mangutang ng pera. Gayunman, nabigo ang suspek na makahiram ng pera kaya pinagsasaksak nito ang mga biktima at tumakas sa lugar.

Nang makarating sa kaalaman ng pulisya, agad nagsagawa ng masusing imbestigasyon at follow-up operation hanggang sa matuklasan na nagtago ang suspek sa San Jose City, Nueva Ecija.

Sa pakikipagtulu­ngan ng San Jose City Police, agad na natunton ang pinagtataguan ng suspek at naaresto.

Umamin na sa pulisya ang suspek sa krimen at sinabing nagawa lang ito nang magdilim ang kanyang paningin matapos na hindi siya pautangin ng P30,000 ng kaanak na dating tserman, na itataya nito sa online sabong.

Mahigit 10 beses sinaksak ng bread knife ng suspek ang dating tserman habang sa ulo at tiyan naman ang tinamo ng apo nito.

vuukle comment

KINATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with