^

Probinsiya

200 pamilya, 200 bata sa Bataan nabigyan ng Pamasko ng RCMP

Pilipino Star Ngayon
200 pamilya, 200 bata sa Bataan nabigyan ng Pamasko ng RCMP
Si LCP Rommel Allan Roxas ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP) habang namamahagi ng Pamasko sa may 200 bata sa Samal, Bataan kamakailan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 200 pamilya at 200 bata ang nabiyayaan sa isinagawang Pamaskong handog ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP) sa Samal, Bataan kamakailan.

Pinangunahan ni RCMP Life Changing President Rommel Allan Roxas ang 16 opis­yales at miyembro ng club na nagtungo sa Samal, Bataan para sa kanilang programa na may temang “Family Christmas Gift-Giving: We Give, We Share, We Serve to Change Lives”.

Nasa 200 pamilya mula sa Brgy. Imelda ang nabigyan ng “Noche Buena Packages” habang ang 200 na bata ang masayang nakatanggap ng loot bags na naglalaman ng iba’t ibang pagkain. May 100 pares ng tsinelas at 100 t-shirts din ang naipamahagi at nagkaroon pa ng raffle ng limang sako (25 kilo) ng bigas, tatlong desk fan at dalawang rice cooker na lalong nagpasaya sa mga residente.

Naging matagumpay ang proyekto sa pakikiisa nina TP Jimmie ­Ocampo, GP Lea Botones, WCP Ronilda Relyua, CS Rosana Saren, PE Roland Lim, ICS Daisy Valdez, Rtns. Jackie dela Cruz, Joey dela Cruz, Mirasol Veluya, Capt. Manuel Uy, Elmer Estrella, Henry Monzones, Tohamie Andamun, Marichu Andamun, Donald Reluya, Capt. Calimpong,  at iba pang miyembro.

Nagpasalamat din si LCP Roxas sa mga sponsors at donors ng naturang proyekto.

ROTARY CLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with