^

Probinsiya

Relief goods ng Odette victims ginagamit sa pamumulitika

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Relief goods ng Odette victims ginagamit sa pamumulitika
Soldiers in Camp Siongco in Datu Odin Sinsuat town in Maguindanao prepare individual food packs for victims of Typhoon Odette in the Negros provinces.
Philstar.com / John Unson

Nire-repack, nilalagyan ng mukha ng kandidato

MANILA, Philippines — Ibinulgar kahapon ng isang mambabatas na ginagamit umano sa pamumulitika ng ilang kandidato o pulitiko ang mga relief goods na donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Surigao del Norte.

Ayon kay 2nd District Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na base sa nakarating sa kanyang impormasyon, ang mga idine-deliver na relief goods sa mga lalawigan ay nire-repack ng ilang mga pulitiko at nilalagyan ng kanilang larawan at pangalan ang mga bags bago ipamahagi sa mga tao.

Dahil dito, sinabi ni Barbers na nagkakaroon ng pagkaantala sa pamamahagi ng mga kinakailangang relief goods sa mga pamilyang grabeng sinalanta ng bagyong Odette.

Hinikayat ni Barbers ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na silipin ang nasabing insidente.

 Sinabi ni Barbers na sakaling mapatunayang may katotohanan ang balita laban sa mga pulitiko sa Surigao del Norte ay inirerekomenda niya ang paghahain ng kaso laban sa mga ito.

 “This is not the time to advance political interest. Our people need aid and life savers, not political gimmicks. Let us put the interest of people above all else and put order in the distribution system,” giit ni Barbers.

 Aniya, hindi dapat nilalagyan ng pangalan o mukha ng politician ang mga kahon o bags ng mga relief goods para sa Odette victims.

RELIEF GOODS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with