^

Probinsiya

Tumangay ng motorsiklo, utas sa pulis

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na tumangay ng motorsiklo nang makipagbarilan sa mga pulis sa probinsya ng Sultan Kudarat ka­makalawa.

Kinilala ang nasawi na si Sabahuddin Maton na residente ng Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Esperanza Police chief Major Ale­xander De Pedro, hinarang ng kanyang mga tauhan ang suspek sa police checkpoint sa Barangay Panay, Esperanza ngunit hindi ito huminto at pinaharurot ng takbo ang minamanehong motorsiklo. Dito nagkaroon ng habulan pero nakipagbarilan umano ang suspek sa mga otoridad hanggang sa tamaan siya ng bala at mapatay.

Nasawi ang suspek nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Narekober sa lugar ang isang kalibre.45 na pistola, magazine, mga bala at isang pakete ng shabu.

Sangkot umano ang suspek sa nakawan ng motorsiklo sa bayan ng Esperanza at matagal nang minamatyagan ng mga otoridad.

vuukle comment

CARNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with