^

Probinsiya

Brodkaster sa Cebu niratrat ng tandem!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Brodkaster sa Cebu niratrat ng tandem!
Kinilala ni Police Major Edgar Labe, hepe ng Waterfront Police Station, ang biktima na si Rico Osmeña, blocktimer ng radio DYLA sa Cebu City at nagsusulat din sa pahayagang Daily Tribune.
STAR/ File

Habang bumibiyahe sakay ng bus

MANILA, Philippines — Isang radio commentator na nagsisilbi ring news stringer ng isang ma­laking pahayagan ang inoobserbahan sa pagamutan matapos tamaan ng bala nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng isang PUV sa Urdaneta St. sa Cebu City kamakalawa  ng  hapon.

Kinilala ni Police Major Edgar Labe,  hepe ng Waterfront Police Station, ang biktima na si Rico Osmeña, blocktimer ng radio DYLA sa Cebu City at nagsusulat din sa pahayagang Daily Tribune.

Agad na isinugod sa ospital si Osmeña matapos na magtamo ng  tama ng bala ng baril sa balikat. Sugatan din ang isa pang pasahero na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Labe, sakay si Osmeña ng isang minibus na kung tawagin ay  BEEP dakong alas-3:30 ng hapon nang sundan at dikitan ng riding-in-tandem at pinaputukan.

Dahil dito, pinaharurot ng bus driver ang sinasakyan ng mga biktima hanggang sa makarating sila sa Barangay Mabolo, Cebu City at agad na humingi ng responde sa mga pulis.

Tinitignan pa ng mga awtoridad kung may koneksiyon sa trabaho ang ginawang pananambang kay Osmeña.

Matatandaan na nitong Disyembre 11, napatay ang reporter na si Jess Malabanan matapos ratratin sa kanyang bahay sa Calbayog City, Samar

BEEP

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with