^

Probinsiya

Hinabol ng aso sa ‘hide and seek’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

14-anyos  tumalon sa ilog, patay

CAVITE, Philippines — Dahil sa takot na makagat ng aso, tumalon­ sa ilog ang isang 14-anyos na binatilyo sanhi­ ng pagkalunod nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Litlit, Silang Cavite.

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Jhon Emerson Basilan, estudyante at residente ng Sitio Talon, Brgy Litlit, Silang, Cavite.

Sa imbestigasyon ni Pat. Menervin Castillo ng Silang Police, dakong alas-6:00 ng gabi habang naglalaro ang biktima kasama ang mga kaibigan ng “hide and seek” nang bigla siyang habulin ng isang matapang na aso.

Upang makaiwas, mabilis na tumalon ang takot na takot na binatilyo sa ilog subalit dahil sa may kalaliman ang tubig ay hindi na lumutang ang biktima.

Tinangka pang sagipin ng kaniyang lolo na tumalon­ din sa ilog ang biktima hanggang sa mare­kober ang katawan nito na agad itinakbo sa pagamutan subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

vuukle comment

CASTILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with