^

Probinsiya

Magsasaka tepok sa tuklaw ng cobra

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines, Philippines — Isang magsasaka­ ang nasawi matapos matuklaw ng isang ahas na “banakon” o King Cobra na kanyang na­patay kamakalawa ng hapon sa Barangay Olaycon, Monkayo, Davao de Oro.

Kinilala ng Monkayo Municipal Disaster Risk Reduction and Ma­nage­ment Office ang biktima na si Rodrigo Ugay Dijos.

Ayon kay Barangay Kagawad Barry Gina Labrigas, dakong alas-5 ng hapon habang pauwi na ng bahay si Dijos na angkas ng isang motorsiklo nang makita ang grupo ng kalalakihan na pinagtutulungang hulihin at patayin ang isang banakon.

Bumaba sa motorsiklo si Dijos na umano’y nakainom rin, para tumulong sa paghuli sa cobra. Nakunan pa siya ng litrato na hawak-hawak ang cobra na napatay niya, pero natuklaw na pala siya sa kanyang likod at mukha.

Dinala pa sa isang albularyo si Dijos pero ayon kay Labrigas, na­walan na siya ng malay at iniuwi ng kaniyang pamilya hanggang sa malagutan ng hininga.

vuukle comment

COBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with