^

Probinsiya

3 ‘gun-for-hire’ bulagta sa shootout!

Doris Franche, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
3 �gun-for-hire� bulagta sa shootout!
Sa report ni PNP-HPG Director Brig. Gen. Rommel Marbil sa Camp Crame, ang mga hindi pa nakikilalang sus­pek ay nasa ilalim ng surveillance operation­ nang magsimula ang engkuwentro sa Lamut-Shilan Road sa Brgy. Shilan dakong alas-12:35 ng madaling araw.
STAR/FIle

Running gun battle sa Benguet

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng umano’y gun-for-hire, carnapping at rob­bery hold-up group  ang patay matapos makaengkuwentro ang mga tauhan ng Highway Patrol Group at mga tauhan ng PRO-3 at PRO-Cordillera kaha­pon ng madaling araw sa Brgy. Shilan, La Tri­nidad, Benguet.

Sa report ni PNP-HPG Director Brig. Gen. Rommel Marbil sa Camp Crame, ang mga hindi pa nakikilalang sus­pek ay nasa ilalim ng surveillance operation­ nang magsimula ang engkuwentro sa Lamut-Shilan Road sa Brgy. Shilan dakong alas-12:35 ng madaling araw.

Nabatid ang joint police operation ng HPG at PRO-COR ay nag-ugat sa impor­mas­yong nakuha ng Special Operations Division ng HPG (Task Force Limbas) hinggil sa mga insidente ng panghoholdap, panga­ngarnap at gun-for-hire ng grupo na nakabase sa Pampanga gamit ang isang pulang Mitsubishi Lancer.

Lumilitaw na iba’t ibang plaka ang ginagamit ng nasabing sasakyan na nagbunsod sa HPG na magtungo sa Benguet.

Namonitor ng mga awtoridad ang pre­sen­sya­ ng mga suspek na sakay ng pulang Mitsu­bishi Lancer Sedan na may plakang WIN-580 kaya naglagay ng mga harang sa Baguio-Bon­toc Road na kani­lang daraanan.

Agad na nagsagawa­ ng verification ang mga tauhan ng HPG sa pa­­mamagitan ng LTO on line 2600 at dito na­pag-alaman na ang na­sabing plaka ay para sa isang Mitsubishi Ad­venture.

Dahil dito, tumawag ng mobile team ang HPG para hulihin ang mga suspek.

Gayunman, nang lapitan ng mga pulis­ ang sasakyan ay nagpaputok umano ang mga suspek at tuma­kas sanhi ng habulan. Nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa tamaan ng bala ang mga suspek na kanilang ikinamatay.

vuukle comment

GUN FOR HIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with