^

Probinsiya

Pekeng pulis na nangikil sa alkalde sa North Cotabato, arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalabaso ang isang nagpakilalang police co­lonel at nangikil sa isang alkalde sa probinsya ng Pikit, North Cotabato sa isinagawang entrapment operation sa nabanggit na lalawigan.

Nakilala ang suspek na si Ryan Calayan­ Ma­borrang, 33, at re­si­­dente ng Barangay General Luna, Carmen, Cotabato.

Ayon kay Pikit chief of police Mayor Maxim Peralta, nagpakilala ang suspek bilang si Police Colonel Joel Limson ng PRO-12 sa tanggapan ni Pikit Mayor Sumulong Sultan.

Hiningan umano ni Maborrang ng hala­gang P50,000 si Mayor Sultan kapalit ang pagsasagawa ng police operation laban sa katunggali nito sa puli­tika.

Kinumpirma at tumawag si Mayor Sultan kay Pikit chief of police Major Maxim Peralta at nagsagawa nang mabilisan na entrapment operation.

Nang iabot na ng mga pulis ang boodle money na P50,000 ay agad itong inaresto.

Ang suspek ay sang­kot sa extortion activity at AWOL sa serbisyo bilang sundalo.

Sa ngayon ay nakapiit na si Maborrang sa costudial facility ng Pikit PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.

vuukle comment

ALKALDE

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with