P2 milyong reward sa makapagtuturo sa killer ng anak ng solon
MANILA, Philippines — Nag-alok na ng P2 milyong pabuya ang Cagayan de Oro government sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang pumatay sa anak ni CDO 1st District Representative Rolando Uy.
Kinilala ang mga biktimang si Roland Sherwin “Tawee” Uy at ang kanyang caretaker na si Samuel Pabalan, na pinagbabaril noong Nobyembre 11 sa Barangay Pagatpat, Cagayan de Oro City.
Kinondena naman ni Mayor Oscar Moreno ang “brutal, cruel, senseless, and utterly barbaric” na insidente at hiniling ang tulong ng publiko para maaresto ang killer.
“I ask all decent and peace-loving Cagay-anons to join me in urging the speedy and complete solution of those killings,” dagdag pa niya.
- Latest