^

Probinsiya

Nagbibisikleta todas sa road mishap

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

CAVITE, Philippines — Patay ang isang biker makaraang tumbukin ng isang sasakyan habang bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Manggahan, Gen. Trias City, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot  pang buhay sa pagamutan ang biktima na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakilala. Siya ay tinatayang may taas na 5’5”, nakasuot ng gray na sando at asul na short pants.

Bahagya namang sugatan ang nakabanggang dridver na kasalukuyang hawak ng pulisya na nakilalang si Elazar Calingacion, 39-anyos, residente ng #95 Alulod, Indang Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente. Kasaluku­yang nagbibisekleta ang biktima sa nasabing lugar nang biglang banggain ng kasalubong na pickup truck na may plakang DBX9722.

Nabatid na hindi napansin ng driver ang kasalubong na biktima.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at napuruhan sa ulo na siya nitong ikinamatay.

MISHAP

PULISYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with