Barangay Kagawad, 1 pa dedo sa ambush
MANILA, Philippines — Bulagta ang isang barangay kagawad at kasama nito nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilang lalaki sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kinilala ang mga nasawi na sina Mansor Andil, 34, barangay kagawad ng Barangay Pandag; at Aliakbar Abdulatip, 37.
Sa ulat, alas-4:00 ng kamakalawa ng hapon nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindano.
Sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo na binabagtas ang kahabaan ng National Highway na ligid na sinusundan sila ng dalawang salarin na sakay ng dalawang motorsiklo.
Pagsapit sa nasabing lugar ay tinatapatan ng mga salarin ang daawang biktima at pinagbabaril na nasawi noon din.
Nakakuha ang mga otoridad ang 7 basyo ng bala ng cal 45 sa pinangyarihan ng krimen.
- Latest