Kooperatiba sa pandi, bulacan na nangaltas ng benepisyaryo iniimbestigahan ng PACC
MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Presidential Anti- corruption Commission (PACC) ang pananamantala umano ng isang kooperatiba na puwersahang nangaltas sa perang natanggap dapat ng mga benepisyaryo ng Livelihood Assistant Grant (LAG) sa Pandi, Bulacan, na ipinasosoli ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga perang tinangay. Sa ginanap na virtual press conference ay inihayag ni PACC OIC Atty. Yvette Contacto, na ang DSWD ay nag-atas sa Magic 7 Cooperative na isoli agad ang perang kanilang kinaltas sa mga benepisyaryo.
Bunsod nito ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang PACC hinggil sa kontrobersiya ng nasabing kooperatiba at base sa pagpupunto ni Atty. Contacto ay inaasahang magkakaresulta ang pagsisiyasat bago matapos ngayong buwan.
Lumalabas na ang Pandi Municipal Social Welfare and Development ay namahagi ng LAG na nasa 35,000 benepisyaryo ng halagang P15,000 bilang ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ang hanap-buhay dahil sa Covid-19 pandemic.
Hindi pa man nakakaalis sa lugar ang mga tumanggap ay puwersahan naman umano silang kinaltasan ng nasabing kooperatiba ng halagang P5,000.
Pag-uwi pa ng mga benepisyaryo ay may kumausap ulit sa kanila at pwersahan din na ipina-donate ang panibagong P5,000 para magamit naman umano ng mga samahan sa barangay gaya ng senior citizens, PWD, kababaihan o iba pang sektor.
Kaya’t panawagan ng PACC na magsumbong.ang sinuman o mag-text sa hotline 09066927324 at 8888 o mag-email sa [email protected].
- Latest