^

Probinsiya

Nene nahulog sa irrigation canal, nalunod

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NABUA, Camarines Sur, Philippines — Idinekla­rang dead on arrival sa ospital ang isang 2-anyos na paslit na babae matapos mahulog at tangayin ng tubig sa irrigation canal sa Zone-6, Brgy. Santiago Old, Nabua sa lalawigang ito kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Aquila Hope Maravillas, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa salaysay ng ama na si Erickson sa mga pulis, dakong alas-2:45 ng hapon ay mag-isang naglalaro ang anak sa kanilang sala nang ito ay biglang lumabas ng bahay na hindi nila namamalayan.

Agad hinanap ni Erickson ang anak sa labas ng bahay at ilang sandali ay nakita nito ang tsinelas ng anak sa irrigation canal kaya nagduda siyang nahulog ang paslit kaya mabilis na humingi ng saklolo sa MDRRMO at pulis.

Sa mahigit isang oras na paghahanap sa kahabaan ng irrigation canal ay natagpuan nila ang biktima na walang malay at palutang-lutang sa tubig sa bahagi ng Brgy. Sta. Cruz.

Mabilis na dinala sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

CANAL

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with