Misis na nag-iisa sa bahay pinasok, piñata
STA. ELENA, Camarines Norte, Philippines — Isang 23-anyos na misis na walang saplot ang pang-ibaba at duguan ang katawan dahil sa tinamong mga taga, naganap kamakalawa sa Purok-1, Brgy.Poblacion ng bayang ito.
Kinilala ang nasawing biktima na si Anna Carmela Latigay Soterio, may kinakasama at residente ng lugar.
Sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw nang puntahan ni Jasmin ang bahay ng kapatid dahil sa kinutuban ito na may masamang nangyari.
Hindi nga nagkamali si Jasmin dahil nakita niyang wasak ang pintuan ng bahay at ang dingding na yari sa sawali at pagpasok niya ay nakita na patay na ang kapatid.
Nabatid na nag-iisa lamang umano sa bahay ang biktima dahil nagtatrabaho sa Cavite ang kinakasama.
Hanggang kahapon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng salarin at kung ano ang motibo at kung ginahasa ang biktima.
- Latest















