2 Chinese, 2 Pinoy timbog sa P32 milyong pekeng yosi
BALAGTAS, Bulacan, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG-3) ang dalawang Chinese at 2 Pinoy nang salakayin ang bodega na naglalaman ng pekeng sigarilyo kahapon ng umaga sa Zone 6 Brgy. Burol 2nd.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Zeng Qiangjian,42 ng Bigaang Matanda, San Juan, Balagtas; Lin Shanxiong,48,kapwa Chinese;John Bejay Agujar, 25, helper ng Brgy. Tabon, Pulilan; at Rodolfo Brosas, 45, ng Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan.
Base sa imbestigasyon, Linggo ng madaling- araw nang isagawa ng mga pulis ang buy bust operation sa nabanggit na lugar at nang magpositibo ay dito na inaresto ang mga suspek.
Nasa higit 1,346 kahon ng iba’t ibang uri ng sigarilyo ang nakumpiska ng mga otoridad na nagkakahalaga ng P32 milyon.
Nakakulong na ang mga suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.- Doris Franche
- Latest