^

Probinsiya

Zambales Vice Gov tinamaan ng COVID-19

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

IBA, Zambales, Philippines — Inanunsiyo ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng kanyang RT PCR test kamakalawa.

Sa kanyang facebook post, sinabi ng bise ­gobernador na nakakaramdam siya ng sunud-sunod na pag-ubo, sipon, pabalik-balik na lagnat, pananakit ng katawan at lalamunan.

Ginawa naman umano ni Khonghun ang lahat ng pag-iingat, subalit tinamaan pa rin.

Tiniyak ni Khonghun na patuloy ang kanyang tanggapan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga ­taga-Zambales at Olongapo.

Muling nagpaalala si Khonghun sa publiko na sundin ang health protocols at  magpabakuna sa lalong madaling panahon.

RT PCR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with